ILANG MGA PAARALAN SA MAGUINDANAO, NAKATANGGAP NG MGA SCHOOL KITS MULA SA BALIK ESKWELA PROGRAM
Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Nasa pitong elementary schools ang tinungo ng Provincial Government ng Maguindanao kahapon August 30.
Sa pamamagitan ng Alganang Ina, Alagang Agila Balik Eskwela Program nito sa pangunguna ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, nakatangap ang mga mag-aaral ng mga school kits na magagamit nito sa pagbubukas ng mga paaralan ngayong taon.
Kabilang sa mga paaralang binisita ng Maguindanao Provincial Government ay Campo Cuatro Elementary School, at Bisang Elementary School sa Datu Abdullah Sangki; Datu Sangki Ampatuan Central ES, sa Ampatuan; Shariff Aguak Central Elementary School, saof Shariff Aguak; Nabundas Central Elementary School, sa Shariff Saydona Mustapha; Datu Tahir Ampatuan Central Elementary School sa Mamasapano at Datu Pendililang Elementary School sa Datu Saudi Ampatuan.