top of page

ILANG MP's ISINUSULONG ANG PANUKALANG MAGPAPALAKAS SA POLISIYA AT MEKANISMO NG ENERHIYA SA BARMM

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 23, 2022

Photo courtesy: BTA Parliament


Cotabato City, Philippines - Nais ng ilang mga mambabatas ng Bangsamoro Transition Authority na mapalakas ang polisiya at mekanismo ng enerhiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Kaya naman, inihain kahapon ni MP Amilbahar Mawalil, siyang principal author, ang BTA Bill No. 179 na layong mapabilis ang implementasyon ng Ease of Doing Business Act, Energy Virtual One-Stop Shop Act at Executive Order No. 30 “to establish, strengthen, and integrate the energy policies and mechanisms within the region.”


Nakapaloob sa Executive Order No. 30 ang tuloy-tuloy, sapat at matipid na suplay ng enerhiya at pinapadali ang regulatory procedures na nakakaapekto sa mga energy projects na mahalaga sa bansa. Nagbibigay ito ng framework upang makabuo ng isang mahusay at epektibong administrative process para sa energy projects upang maiwasan ang mga unnecessary delays sa pagpapatupad ng Philippine Energy Plan.


Sa ilalim ng panukalang batas, magtatakda ng guidelines ang Bangsamoro Energy Code para sa implementasyon ng energy projects sa BARMM.


Ang panukalang batas na ito ay sinusuportahan din nina MPs Engr. Baintan Ampatuan, Atty. Laisa Alamia, Atty. Rasol Mitmug Jr., Atty. Suharto Ambolodto, Engr. Don Mustapha Loong, Rasul Ismael, Abraham Burahan, Sittie Shara Mastura, and Atty. Paisalin Tago na mga co-authored nito.


End.


1 view
bottom of page