top of page

ILANG NOCHE BUENA ITEMS, TUMAAS NG P 5 HANGGANG P 50 AYON SA DTI.

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Bago pa man sumapit ang kapaskuhan...


Inihayag ng Department of Trade and Industry na tumaas ngayon ng limampiso hanggang limpung-piso ang ilang Noche Buena items sa mga pamilihan.


Kabilang dito ang ilang brand ng mayonnaise, spaghetti sauce, pasta , fruit cocktail, all-purpose cream at hamon.


Bunsod nito, may payo ang DTI sa mga mamimili na habang maaga pa ay paunti-unti ng bumili ng mga gagamitin sa Noche Buena dahil posible pa itong tumaas sa mga susunod na buwan.


Dagdag din ng DTI, na upang mas makatipid ay maaari ring bumili ang mga konsyumer ng naka-bundle na Noche Buena items gaya ng mga spaghetti at macaroni set.

4 views
bottom of page