ILANG PAMILYA, LUMIKAS SA GENERAL SALIPADA K. PENDATUN, MAGUINDANAO DAHIL SA RIDO

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Umalingawngaw ang palitan ng putok ng baril sa Barangay Pidtigian, Gen. Salipada K. Pendatun, Maguindanao araw ng sabado, September 24.


Kaya lumikas ang ilang pamilya dahil sa takot.

Google Map: GSKP


Ayon sa kay GSKP Chief of Police PLT. Damiano Albacite, rido o away sa pagitan ng dalawang magkalabang pamilya ang sanhi ng pagsiklab ng bakbakan sa lugar.


Sa rekord ng PNP, 2006 pa nagsimula ang away ng dalawang pamilya. Away sa lupa ang sinasabi ng otoridad na pinagmulan ng gulo.


Sa ngayon, humupa naman ang tensyon sa lugar at sinusubukan na ng pulisya at militar na makipag-ugnayan sa dalawang pamilya upang maresolba na ang girian sa pagitan nito.

18 views