Kristine Carzo | iNEWS | September 13, 2021
Cotabato City, Philippines - Araw ng sabado nang tinungo ng Cotabato City Health Office ang PNP Station 2, Station 3 at station 4 upang magbigay ng bakuna sa mga bilanggo.
Limampu’t walong mga preso ang nabakunahan ng City Health Office mula sa tatlong himpilan sa lungsod. Bigo namang mabakunahan ang mga inmates mula sa PNP Station 1 matapos magpositibo sa sakit ang ilang bilanggo doon.
Hinihintay na lamang ng City Health Office na matapos ang quarantine ng mga preso ng Police Station 1 upang makapagsagawa na ng vaccination.
