top of page

INA AT ASAWA NG LALAKING MAY KINAKAHARAP NA KASONG PAGLABAG SA RA9165, INARESTO SA PARANG, MAG.

KRISTINE CARZO | iNEWS | IMINDSPH


Cotabato city, Philippines - Nauwi sa pagkaka-aresto ng dalawang babae ang sanay pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga otoridad laban sa isang kinilalang si IBRAHIM A MARIGA sa bayan ng Parang Maguindanao.


Sa bisa ng warrant or arrest na inisyu ni RTC BRANCH 27, 12th Judicial Region Presiding Judge Kasan K. Abdulrakman sa kasong paglabag sa RA9165.


Sinuyod ng mga elemento mula sa Parang Municipal Police Station, Maguindanao Police Provicial Office Drue Enforcement Unit at 1402nd rmfc lugar ng suspek kung saan ihahain ang warrant of arrest.


Pagsapit ng mga otoridad sa naturang tahanan ay agad na natunugan ng subject sa operaton ang mga kapulisan na naging dahilan ng pagtakbo nito papalayo mula sa kanyang tahanan.


Dinatnan ng mga otoridad sa naturang tahanan ang dalawang kababaihan na kinilala sa pangalang Bai, Asawa ng akusado at ang Ina nito na si Malayda.


Nakuha sa tahanan nito ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu,

Sampung Disposable Lighter, isang aluminum Foil at apat na na improvised glass totter.


Agad naman na dinala sa himpilan ng pulisya ang mga naarestong suspek at patuloy naman ang ginagawang pagtutugis ng mga otoridad sa nakatakas na subject sa operasyon.




4 views
bottom of page