top of page

INABANDONANG MGA ILIGAL NA DROGA AT ARMAS, NAREKOBER SA LUMBACA UNAYAN, LANAO DEL SUR


Photo Courtesy: Lanao del Sur PPO

LANAO DEL SUR -- Limang pakete ng hinihinalang shabu, isang .45 caliber pistol, isang .38 revolver at ilang drug paraphernalia – ito ang mga narekober ng PNP sa isang abandonadong building sa Barangay Tringan, Lumbaca Unayan, Lanao del Sur noong Linggo, June 12.


Sa report mula sa Lanao del Sur Police Provincial Office, kanya-kanya umanong takbuhan ang grupo ng mga hindi pa natukoy na mga indibidwal na nagsasagawa ng pot session sa nasabing lugar matapos na mapag-alamang paparating na ang mga otoridad.


Aabot sa mahigit 10,000 pesos ang halaga ng narekober na iligal na droga. Agad na dinala sa kustodiya ng Lumbaca Unayan MPS ang mga narekober na ebidensya para sa wastong disposisyon.

0 views
bottom of page