top of page

INCUMBENT 2ND DISTRICT CONGRESSMAN AT MAGUINDANAO GUBERNATORIAL CANDIDATE MANGUDADATU, NAGSALITA NA

Kate Dayawan

MAGUINDANAO - Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Maguindanao Congressman at ngayo’y gubernatorial candidate Esmael “Toto” Mangudadatu hinggil sa ibinabatong isyu sa kanya kaugnay sa umano’y pang iiwan nito sa ere kay Presidential Candidate, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.


Paglilinaw ni Mangudadatu, wala umanong namagitan na kasunduan sa kanila ni Isko at ng kanyang partido at hindi rin umano kabilang ang kongresista sa Aksyon Demokratiko.


Ngunit ayon sa opisyal, mananatili ang respeto nila sa isa’t isa. Tinuring na umano niya itong kapatid at tinitingal niya sa larangan ng serbisyo publiko.


Ngunit nasa Bangsamoro umano ang kanyang loyalty, sa mamamayan na kasama umano nito sa pakikibaka para sa sariling pagpapasya, katarungan, tunay na kapayapaan at pag-unlad.


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, sinabi ni Mangudadatu na bilang isang kandidato sa pagka gubenador sa Maguindanao, obligasyon umano nito na sundin ang kanilang Amir Ahid Ebrahim na siya ring namumuno ng United Bangsamoro Justice Party. Haram umano ang pagtaksil dito o sirain ang sumpa na ibinigay sa kanya.


Ipinaliwanag rin ng Congressman kung bakit si VP Leni Robredo ang kanya ring napiling susuportahan sa halalan.


Aniya, nasa kongreso pa lamang ay magkaibigan na umano sila ng bise presidente at isa rin umano ito sa nagtaguyod ng kanilang ipinaglalaban.


At nang tumakbo umano si VP Leni noong 2016 National Elections, isa umano sa nagbigay ng malaking boto ang lalawigan ng Maguindanao.

106 views
bottom of page