top of page

INCUMBENT MAYOR AT RE-ELECTIONIST YAZ PAPANDAYAN, MANINILBIHAN PA RING ALKLADE SA BAYAN NG TUBARAN!

Kael Palapar

LANAO DEL SUR - Prinoklama na kaninang umaga si incumbent Tubaran Mayor at re-electionist Khaledyassin Papandayan matapos makakuha ng 3,873 na boto laban sa malapit nitong katunggaling si Nashif Madki na nakakuha ng 1,854 na boto.


Habang walang pang iprinoproklama sa pagkabise alklade at mga konsehal ng bayan, ayon sa PRO-BAR, mapayapa at maayos na naidaos ang special election sa labing dalawang barangay sa bayan ng Tubaran kahapon.

Ayon sa PRO-BAR, mapayapa at maayos na naidaos ang special election sa labing dalawang barangay sa bayan ng Tubaran kahapon.


Umabot sa 69.13 percent ang voter's turnout mula 6,931 na kabuuang bilang ng botante sa labing dalawang barangay na sumailalim sa special elections.


"Our voters turnout yesterday ay umabot ng 69.13 percent from the total of 6,931 na voters na supposedly na boboto sa special elections kahapon." ani PRO-BAR PBrig. Gen. Arthur Caballona.


Bagama't hindi na makakaapekto sa national elective position ang tinatayang mahigit anim na libong bilang ng botatane sa labing dalawang barangay sa Bayan ng Tubaran, ang resulta ng special elections kahapon ang inaantay na lamang ng National Board of Canvassers upang mahirang na ang 63 pwesto na nakalaan sa mga partylist groups.


"Hopefully matuloy tuloy na ito, up to the transition of results and submission of the hardcopies of the election results to the municipal board of canvassers of Tubaran and then transmit to the provincial board and then hopefully sa masend na ng provincial board tonight for the purpose of canvassing the party list system." ayon kay Teopisto Elnas, Comelec Executive Director for Operations.


"We have to get the total number of partylist votes and we get the percentages in relation to the total number of partylist votes. we apply the formula, we get the ranking, we get the number of seats. Tingnan natin yung pagkakadikit dikit nila. kung yung natitirang boto sa sangay ay hindi na makakapekto, we will be able to proclaim the 63 seats." ayon naman sa COMELEC Spokesperson, Atty. John Rex Laudiangco.


Ang bayan ng Tubaran sa Lanao del Sur ang tanging bayan sa buong bansa na hindi natapos ang botohan noong May 9 nation al and local elections dahil sa kaguluhan ng mga supporters ng mga magkakatunggaling local candidates.


25 views
bottom of page