Incumbent Parang Mayor Cahar Ibay, kumakandidatong muli bilang alkalde ng bayan

Updated: Oct 6, 2021

Kristine Carzo | iNEWS | October 4, 2021


Cotabato City, Philippines - Pasado alas-onse noong araw ng sabado nang pormal na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy si incumbent Parang Mayor Cahar Ibay. Running mate pa rin ng alkalde si incumbent Vice-Mayor Adnan Biruar.


Kumakandidato ang Team Panalo ni Mayor Ibay sa ilalim ng Nacionalista Party.


Ang rido settlement sa bayan ng Parang, infrastructure project, ang pag-angat ng turismo at pagkilala sa Parang Magandanow ang ilan sa mga tinuturing na napagtagumpayan ng kasalukuyang administrasyon.








0 views