top of page

Incumbent Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura, hinirang na bagong Provincial Chairman ng PDP-Laban

Kate Dayawan | iNEWS | October 13, 2021


Cotabato City, Philippines - Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si incumbent Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura bilang bagong Provincial Chairman ng PDP-Laban sa lalawigan ng Maguindanao.


Sa larawang ibinahagi ng alkalde sa kanyang Facebook page, makikitang itinaas ng pangulo ang kamay nito tanda ng pagproklama nito bilang bagong mamumuno ng PDP-Laban sa nasabing probinsya.


Nagpapasalamat naman si Mastura kay Pangulong Duterte dahil sa tiwalang ibinigay nito sa kanya.


Si Mastura ay presidente ng league of mayors sa Maguindanao at tatakbo bilang bise alkalde ng bayan ng Sultan Kudarat sa darating na May 2022 Elections.




34 views
bottom of page