INFLATION RATE

INFLATION RATE SA BARMM, PUMALO SA 6.7 NGAYONG APRIL 2023 MULA SA 2.1 PERCENT NOONG APRIL 2022
Bangsamoro Autonomous Region - Pumalo sa 6.7 percent ang inflation rate sa BARMM sa buwan ng Abril 2023. Mas mataas kumpara sa 2.1 percent na inflation rate taong 2022.
Pinangunahan ni Engr. Akan Tula OIC-Regional Director ng PSA BARMM ang pag latag ng Summary Inflation Report Consumer Price Index sa pagpupulong nayong araw .
Inihayag din ni Engr. Tula ang inflation rate ng mga probinsiya ng Basilan, Lanao del sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at Cotabao City.
Tumaas ang Inflation rate sa Basilan mula 2.2 noong abril 2022 na naging 9.4 sa buwan ng abril 2023.
Bumaba naman ang Inflation rate ng Lanao del Sur mula 5.7 noong abril 2022 sa 5.4 percent nagyong taon 2023.
Sa Maguindanao, tumaas din ang inflation rate ng lalawigan mula 2.6 noong nakaraang taon sa 6.1 ngayong taon.
Sa Sulu, tumaas din ang Inflation mula sa 1.0 noong abril 2022 sa 6.6 ngayong abril 2023, ganun din ang Taiw-Tawi na nagtala ng 10.8 nayong taong mula 1.3 noong nakaraang taon.
Tumaas din ang Inflation rate ng Cotabato City mula 4.3 nung abril ng nakaraang taon sa 4.9 nitong taon.
Binabasi ang inflation rate sa galaw ng mga presyo at produkto ng mga pangunahinahing bilihin tulad ng pagkain