top of page

INFORMATION SYSTEMS STRATEGIC PLAN


Photo Courtesy: MBHTE BARMM


Isinasagawa ngayon sa Maynila ng Information and Communications Divison at Planning ng MBHTE ang Information Systems Strategic Plan o ISSP Consultation para sa One MBHTE ISSP Development Series.


Pinangungunahan ng Information Systems Strategic Plan o ISSP Technical Working Group mula sa Information and Communications Divison at Planning ng MBHTE ang isinasagawang ISSP Consultation para sa One MBHTE ISSP Development series.


Sa tulong ng Education Pathways to Peace in Mindanao, layon ng tatlong araw na aktibidad ang malinang ang labing isang schools division offices sa ISSP at makonsulta hinggil sa Information Communication Technology application, practices at resources na magagamit sa mga field offices at paaralan.


Isang paunang assessment ng mga kapasidad at pangangailangan ng ICT ang gagawin sa pamamagitan ng consultative process alinsunod sa ISSP guidelines.


Ayon sa BARMM ISSP Guidelines na nabuo ng Bangsamoro Information and Communications Technology Office, ang ISSP au ang medium-term plan kung saan nakapaloob ang strategies, programs, activities, at resource requirements para sa application ng ICT sa pagkamit ng adhikain at layunin ng mga ministries, agencies, at offices.


Ang One MBHTE ISSP ay isang 3-year roadmap kung saan laman ang overall ICT strategy ng ministeryo. Nagsisilbi din itong framework sa nilalayon ng organisasyon na gamitin ang ICT upang makatulong sa pagkamit ng vision, mission, at goals ng tanggapan.



2 views0 comments

Recent Posts

See All