top of page

Infrastracture project sa lalawigan ng South Cotabato, patuloy na isinasakatuparan

Kate Dayawan | iNEWS | September 28, 2021


Cotabato City, Philippines - Nasa 77.13% nang natatapos ang konstruksyon sa Bagong Lipunan Type Building na ipinatayo ng Provincial Government ng South Cotabato sa pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.


Pinunduhan ito ng pamahalaang panlalawigan na aabot sa 1,486,143.58 na matatagpuan sa Matapol Elementary School sa bayan ng Norala.


Inaasahan na sa susunod na buwan ay matatapos na ito.


Ang pagpapatayo nito ay dahil sa patuloy na konsultasyon at pakikinig sa mga hinaing ng mga mamamayan upang maibigay ang angkop na programa at proyektong katuwang sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.


Samantala, maayos na ring nagagamit ngayon ang daan matapos ang ginawang pag-upgrade sa Purok Nicholas-Malabarbas Road sa bayan ng Polomolok.


Pinondohan ito ng abot sa 1,174,039.32 pesos.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga residente sa lugar dahil sa may maayos nang madadaanan ang mga ito patungo sa kani-kanilang mga trabaho.




12 views
bottom of page