top of page

INTERNAL REVIEW NG PNP, MAGTATAPOS NA SA SUSUNOD NA 2 LINGGO AYON KAY PANGULONG FERDINAND MARCOS JR



Magtatapos na sa susunod na dalawang linggo ang isinagawang internal review ng PNP na naglalayong tukuyin ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga.


Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, kasunod sa pangako nito na magpapatuloy ang laban gobyerno kontra sa paglanagap ng ipinagbabawal na droga sa bansa.

Dumalo sa kauna-unahang Joint National Peace and Order Council (NPOC) and Regional Peace and Order Council (RPOC) Meeting sa Malacanang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Dito sinabi ng pangulo na magtatapos na sa susunod na dalawang linggo ang isinagawang internal review ng PNP na naglalayong tukuyin ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga.


Ayon sa pangulo, isa itong nakapa kumplikadong system sa isang napaka kumplikadong sitwasyon. Hindi naman aniya maaring maging basehan ang tsismis. Kaya maingat itong isinasagawa ayon sa pangulo upang maging patas.


Umapela ang pangulo sa PNP na makipagtulungan sa kanyang administrasyon, at binigyang diin nito na mayroon siyang obligasyon na tugunan ang drug trade problem sa bansa at tiyakin ang credible at well-functioning police force sa bansa.


Hinikayat rin ng pangulo ang mga council members na tugunan ang dalawang pangunahing problema sa peace and order ng bansa, ito ang tumataas na political violence at karahasan na buhat sa kompetisyon ng mga drug syndicates.


Noong buwan ng Enero, naki-usap si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga high-ranking police officers na magsumite ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng pagsusumikap ng ahensiya na linisin ang PNP mula sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga.


Pag-aaralan din ng komite ayon sa opisyal ang record ng lahat ng police officers at mananatili sa serbisyo ang mga hindi sangkot sa illegal narcotics trade.

8 views0 comments

Recent Posts

See All