top of page

INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE


 

INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE, MAARING MAGDADALA NG MGA PAGULAN SA WEEKEND SA ILANG BAHAGI NG VISAYAS AT MINDANAO

 


Sa datos ng PAGASA, walang inaasahang bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility hanggang sa katapusan ng Abril, pero sa weekend ay aasahan ang mga pag-ulan lalo na sa Visayas at Mindanao dahil sa pagbabalik ng Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ at ang worst case scenario nito ay maaring may mabuong Low Pressure Area doon.


sa ngayon, patuloy pa rin sa pag-iral ang Easterlies o ang hangin na galing sa Pacific Ocean na nakakaapekto sa bahagi ng Visayas at Mindanao at nagdadala ng mga pag-ulan at mainit na panahon.


Habang sa Luzon naman ay aasahan ang bahagyang maulap na kalangitan na sasamahan ng mga saglitang ulan.


Sa magiging lagay ng ating panahon bukas-


Ang Cotabato City ay makakaranas ng 26-35 degrees celsius na agwat ng temperatura at 20 percent na tsansa ng pag-ulan.


Sa Maguindanao, maglalaro sa 25-36 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 50 percent ang tsansa ng tsansa ng pag-ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro sa 23-34 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 20 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa Cotabato Province, maglalaro sa 23-35 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 50 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Ang Davao City naman ay makakaranas ng 24-34 degrees celsius na agwat ng temperatura at 70 percent na tsansa ng pag-ulan.


Sa Cagayan De Oro, maglalaro sa 26-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 20 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa Zamboanga City, maglalaro sa 26-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 50 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa Lanao Del Norte, maglalaro sa 25-34 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 40 percent ang tsansa ng pag-ulan.



at Ang Lanao del sur naman ay makakaranas ng 18-28 degrees celsius na agwat ng temperatura at 80 percent na tsansa ng pag-ulan.


ang araw ay sumikat nang 5:36 ng umaga at lumubog nang 6:12 ng hapon



1 view0 comments