IP MONTH SA BARMM

BUWAN NG OKTUBRE, INIREREKOMENDA NG PEOPLE’S AFFAIRS COMMITTEE NG BTA NA IDEKLARA BILANG REGIONAL INDIGENOUS PEOPLE’S MONTH AT OCTOBER 29 NAMAN ANG REGIONAL INDIGENOUS PEOPLE’S THANKSGIVING DAY SA BARMM
Bangsamoro Autonomous Region - Inirerekomenda ng Indigenous People’s Affairs Committee ng BTA Parliament na maging Regional Indigenous People’s Month ang buwan ng Oktubre at ideklara ang October 29 bilang Regional Indigenous People’s Thanksgiving Day sa BARMM.
Tinalakay ng Indigenous People’s Affairs Committee ng BTA parliament ang mga isinusulong na panukalang batas na inihain ng mga miyembro ng BTA hinggil sa pangangailangan ng indigenous people.
Inirekomenda ng Indigenous People’s Affairs Committee ng BTA Parliament na maging Regional Indigenous People’s Month ang buwan ng Oktubre at ideklara ang October 29 bilang Regional Indigenous People’s Thanksgiving Day sa BARMM.
Hinihikayat din ng komite ang Bangsamoro Government, sa pamamagitan ng Ministries of Environment, Natural Resources, and Energy, Human Settlements and Development, Agriculture, Fisheries, and Aquatic Resources, Health, Social Services and Development, and Indigenous Peoples’ Affairs, upang magsagawa ng agarang aksyon na tutugon sa naging pinsala ng bagyong Paeng na kumitil ng buhay ng mga non-Moro indigenous peoples.
Sakop ng CIPA ang lahat ng usapin hinggil sa implementasyon ng mga provisions ng IPs rights na isinasaad sa Bangsamoro Organic Law, gayundin ang pagpapaunlad sa kanilang komunidad.