top of page

ISA PATAY, TATLO SUGATAN SA NAGANAP NA PAMAMARIL SA BARANGAY MAKIR, DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO

- FIONA FERNANDEZ



Photo Courtesy: MDRRMO DOS

MAGUINDANAO - Isa ang kumpirmadong nasawi habang tatlo naman ang sugatan sa naganap na pamamaril sa mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ng 6th Infantry Division tanghali nitong Biyernes, June 17, sa Sitio Gubat, Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.


Ito ang kinumpirma ng hepe ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, PLTCOL. Assir Balindong sa panayam ng iNews Philippines.


Kinilala ang nasawing indibidwal na si Thong Kaul, 40 anyos at residente ng Guindulungan, Maguindanao.


Sugatan naman ang tatlo pang kasama nito na kinilalang sina Datu Ali Arsad, 29 anyos; Mohammad Talipasan Mama, 87 anyos, kapwa residente ng Talayan, Maguindanao at Salindatu Mangulamas, 33 anyos at residente ng Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.


Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, sakay umano ng isang kulay Silver na Toyota Corolla ang mga biktima na may plakang UMZ 509 nang dikitan at pagbabarilin ng mga hindi pa natutukoy na suspek sakay ng isang motorsiklo.


Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan ng mga rumespondeng personnel ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.


Sa kasalukuyan pang nasa area ang otoridad para sa imbestigasyon at nagsasagawa na rin ng Hot Pursuit Operation laban sa mga suspek.

38 views
bottom of page