top of page

Isa sa 2 suspek na naaresto sa buy-bust operation ng PNP sa Wao, Lanao del Sur, sugatan!

Kate Dayawan | iNews | November 4, 2021


Cotabato City, Philippines - Sugatan ang isa sa dalawang indibidwal na nahuli sa inilunsad na buy-bust operation ng Lanao del Sur Provincial Police Office at PNP Drug Enforcement Group sa Purok 5, Barangay East Kilikili, Wao, Lanao del Sur araw ng Martes, November 2.


Ito'y matapos na mang-agaw ng baril sa katransaksyong pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.


Sa report mula sa Police Regional Office - BAR, kinilala ang sugatang suspek na sila alyas Jamil habang naaresto naman ang kasama nito na si alyas Jabar kapwa residente ng Wao, Lanao del Sur.


Nakatakas naman ang target ng operasyon na kinilalang si alyas Utol na residente ng Maguing, Lanao del Sur.


Sa report ng Wao PNP, pumayag nang mabilhan ng shabu ang suspek ng isang undercover agent na nagpanggap bilang poseur buyer. Ngunit nang matapos ang transaksyon at bago pa man makapagbigay ng signal ang poseur buyer sa operatiba, nakahalata ang mga suspek na pulis ang katransaksyon ng mga ito. Kung kaya't inagaw ng isang suspek ang armas ng poseur-buyer dahilan upang paputukan ito ng iba pang miyembro ng operating team.


Agad na dinala sa Wao District Hospital ang sugatang suspek na kalaunay inilipat sa Kibawe Provincial Hospital sa Kibawe, Bukidnon.


Nakumpiska mula sa posesyon ng dalawa ang mahigit kumulang isang daang garmo ng shabu na nagkakahalaga ng 680,000 pesos.


Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang mga nahuling suspek.


Pinuri naman ni PBGen. Eden Ugale ang operatiba dahil sa pinaigting at walang humpay na pagpapatupad ng kampanya laban sa trafficking at paggamit ng iligal na droga sa Bangsamoro region.




0 views
bottom of page