top of page

ISANG BARANGAY KAGAWAD, ARESTADO SA SEARCH WARRANT OPERATION NG PDEA SA TULUNAN

Fiona Fernandez

(Photo courtesy: PDEA Region 12) NORTH COTABATO — Arestado ang isang Barangay Kagawad sa isinagawang Search Warrant Operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Cotabato Provincial Office at ng Tulunan Municipal Station sa Brgy. La Esperanza, Tulunan, Cotabato Province nitong May 27 bandang 1:34 ng madaling araw.


Kinilala ang naarestong suspek sa pangalang Renan.


Nakumpisa sa pag-iingat nito ang humigit kumulang 12 gramo ng pinaniniwalaang Shabu na nagkakahalaga ng 81,600.00, drug paraphernalia, at isang caliber .45 pistol kasama ang mga magazines at bala nito.


Nakapiit ngayon ang suspek sa PDEA ROXII Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


4 views
bottom of page