top of page

ISANG HIGH-POWERED FIREARM, NADISKUBRE NG MILITAR SA ISANG SITIO SA TULUNAN, NORTH COTABATO

Kate Dayawan | iNews | iMindsPH


Cotabato city, Philippines - Dahil sa pagtimbre ng isang concerned citizen, narekober ng mga tropa ng 39th Infantry Battalion ang isang high-powered firearm sa Sitio Malepayon, Brgy Maybula, Tulunan, North Cotabato, noong araw ng Biyernes, August 6.


Ang natagpuang armas ay isang homemade .50 Caliber rifle na may dalawang bala.


Pinuri naman ng Commanding officer ng 39th Infantry Battalion na si Lt. Col. Geoffrey Carandang ang mga residente ng Barangay Maybula.


Hinikayat naman nito ang mga nalalabing miyembro ng NPA na lisanin na ang grupo at magbalik-loob na sa gobyerno.


Isa ang Barangay Maybula sa mga nanumpa na tanggihan ang presensya ng Communist Terrorist Group (CTG) at aktibong lalahok at susuporta sa mga programa ng gobyerno na nakatutok sa pagtatapos ng local communist armed conflict.



Photo by: Smashers Battalion Page


3 views
bottom of page