top of page

ISANG HIGH-RANKING LEADER NG CTG, SUMUKO SA EASTERN MINDANAO COMMAND

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 18, 2022

Photo courtesy : Eastern Mindanao Command, AFP


Cotabato City, Philippines - Isang high-ranking leader ng Communist Terrorist Group ang sumuko sa mga tropa ng Eastern Mindanao Command.


Siya si Cristony “Jun” Latiban Monzon o mas kilala bilang Jong Monzon, ay ang dating tagapagsalita ng Haran Bakwit, dating Secretary-General ng "Pasakaday Salugpongan Kalimodan" (PASAKA) at naging Political Instructor ng Regional Operational Command (ROC) ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).


Kasama nitong sumuko sina Mentroso, Platoon Supply Officer ng ROC, SMRC at dating Vice Chairman Internal Affairs ng PASAKA at Danny na isang Political Guide ng SMRC.


Ayon kay LtGen. Greg T. Almerol, Commander ng Eastern Mindanao Command, sumuko umano ang tatlo matapos ang sunod-sunod na engkwentro sa Davao de Oro.


Inihayag naman ni Monzon na ginagamit lamang umano ng CTG ang mga evacuees bilang pangdepensa laban sa militar sa mga IP Community at nang makakuha ng pondo mula sa international organizations ng New People’s Army.


Matatandaan na noong April 21, 2021, nag-isyu ng warrant of arrest ang Davao City Regional Trial Court laban sa anim na administrator ng Haran ng two counts ng RA 7610 o Child Abuse Law, kung saan kabilang dito sina Jong Monzon, UCCP Bishop Hamuel Tequis, Rev. Daniel Palicte, Ephraim Malazarte, Lindy Trenilla at Grace Avila.


Kaya lamang umano nahikayat si Monzon na sumali sa armed movement dahil sa kasong ipinataw sa kanya.


Samantala, dahil naman umano sa gutom at takot na mamatay sa combat operation ng militar kaya napagdesisyonan na nitong sumuko sa gobyerno.


End.

35 views
bottom of page