top of page

ISANG MIYEMBRO NG ABU SAYYAF GROUP, SUMUKO SA MILITAR SA BASILAN

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 22, 2022

Photo courtesy : Western Mindanao Command, AFP


Cotabato City, Philippines - Sumuko sa 18th Infantry Battalion ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na si alyas Ohms sa lalawigan ng Basilan, March 17.


Ang sumukong indibidwal ay miyembro ng ASG sa ilalim ng pamumuno ni ASG sub-leader Nurhassan Jamiri na una nang sumuko kasama ang 13 na tagasunod nito sa Basilan noong March 2018.


Samantala, kasabay ng pagsuko nito, itinurn-over naman nina Macalang Barangay Chairman Idris Nasal at Cambug Barangay Chairman Mohammad Sokor ang dalawang M1 Garand Rifle sa militar.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng 18IB ang sumukong indibidwal.


Simula Enero 2022, umabot na sa labing dalawang ASG personalities ang sumuko sa militar sa ZamBaSulTa area.


Hinikayat naman ni Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western Mindanao Command, ang natitira pang mga miyembro ng teroristang grupo na sumuko na rin dahil bukas ang militar na tulungan sila na muling makapagsimula ng panibagong buhay.


End.

2 views
bottom of page