Kate Dayawan

(Photo courtesy: 6TH ID)
MAGUINDANAO - Binulabog ng mga pagsabog ang mga residente ng Sitio Patawali, Barangay Ganta, Datu Salibo, Maguindanao umaga noong Lunes, May 23, matapos na maglunsad ng preemptive military operations ang Joint Task Force Central at 6th Infantry Division.
Ito ay upang mapigilan umano ang teroristang Dawlah Islamiyah- Turaife Group na pinamumunuan ni Esmael Abdulmalik alyas Abu Turaifie mula sa panghaharass sa komunidad ng nasabing lugar.
Nilinaw ni BGen. Eduardo Gubat, Acting Commander ng 6ID at JTF Central na nagkaroon umano ng sagupaan sa pagitan ng militar ang ilang miyembro ng teroristang grupo matapos na mangharras ang mga ito sa mga residente sa lugar.
“Our troops from 6th Infantry (Redskin) Battalion under Lt. Col. Charlie Banaag responded immediately to secure the populace from this terrorist group. Also, Field Artillery conducted indirect fire aimed at the place where they were hiding. Their forces were further weakened after the close air support was conducted in the right place of the target. This happened because we do not want to disturb the peace, order and security enjoyed by those who live there” ani BGen. Gubat.
Pakiusap naman ni BGen. Gubat sa mga residente sa lugar na manatiling maging kalmado dahil kontrolado na ng militar sitwasyon.
Samantala, habang hinahalughog ng JTFC personnel ang pinangyarihan ng bakbakan, kanilang narekober ang bangkay ng isang lalaki na kalauna’y nakilala sa pangalang si Sadam Salandang alyas Sadam na isang miyembro umano ng BIFF Karialan Faction sa ilalim ng pamumuno ni alyas Robot.
Bukod dito ay narekober rin ng military ang samu’t saring armas at gamit ng mga tumakas na kalaban.
Ayon kay Lt. Col. Charlie Banaag, commander ng 6th Infantry Battalion ng 6ID, itinurn-over na umano ng AFP ang bangkay ng namatay na kalaban sa mga opisyal ng Datu Salibo para mabigyan ito ng disenteng libing.
Samantala, hindi naman naiwasang mag-alsabalutan ng mga residente dahil sa takot ngunit ayon sa JTF Central ay nasa maayos naman ang kalagayan ng mga ito.
Kasalukuyan umanong nanunuluyan ang mga ito sa daycare center ng kanilang mga barangay at inaalagaan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Datu Salibo at Shariff Saydona Mustapha.