Kristine Carzo | iNEWS | October 5, 2021
Cotabato City, Philippines - Wala nang kawala sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaking na miyembro ng LGBT community dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Cotabato City.
Kahapon araw ng lunes sa bahagi ng Purok Torion 1, Poblacion 1 ng siyudad, ikinasa ng mga operatiba ng PNP Station 1 ang test buy laban sa suspek na kinilalang si alyas Alan.
Sa report mula kay Police Major Elixon Vila Bona matagal nang binabantayan ng mga kawani ng barangay ang kilos ni alan bago pa man ikinasa ang operasyon.
Nabili kay alan ang isang pakete ng pinaghihinalaang shbau na nagkakahalaga ng 500pesos.
Nakuha rin sa posesyon nito ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Nakapiit na ngayon sa selda ng PNP Station 1 ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
