top of page

Isang miyembro ng NPA, sumuko sa 38th IB sa Saranggani Province

Kristine Carzo | iNEWS | September 13, 2021


Cotabato City, Philippines - Sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Kiamba Saranggani Province, sumuko sa militar ang isang miyembro ng New People Army Guerilla Front Musa mula sa Purok Dingkaling, Brgy Tambilil, Kiamba, Sarangani Province.


A-otso ng Setyembre ng iprinisinta ng mga opisyal ng lokal ng pamahalaan na Kiamba si alyas Jubert sa 38th Infantry Battalion upang buong pusong magbalik loob sa gobyerno.


Kasabay nitong isinuko ang kanyang mga armas na kinabibilangan ng isang M2 Carbine Cal. 30 na may dalawang magazines at 26 rounds ng mga bala.


Ang pagsuko ay naisakatuparan matapos mangako ang opisyal at mga residente ng Kiamba na makipagtulungan sa pwersa ng gobyerno upang sugpuin ang Communist Terrorist Group na ayon sa militar ay nagiging hadlang sa pagkamit ng kapayapaan sa lugar.




5 views
bottom of page