top of page

ISANG MOTORIZED BANCA, TINAPUNAN NG PAMPASABOG SA KALANGANAN 2, COTABATO CITY

Kate Dayawan

COTABATO CITY — Binulabog ng malakas na pagsabog ang Lower Bubong, Kalanganan 2, Cotabato City pasado alas kagabi.


Sa report mula sa Joint Task Group Kutawato na agad na rumesponde sa lugar, dalawang hindi nakikilalang mga indibidwal na nakasuot umano ng short pants, long sleeved na damit at kulay itim na hoodie ang di umano’y lumapit at naghagis ng bagay sa likurang bahagi ng isang motorized banca na nakadaong sa dalampasigan ng Tamontaka River


Ang nasabing Bangka ay pagmamay-ari umano ni Datu Manot Sinsuat na residente ng Barangay Resa, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.


Ayon sa nagsisilbing kapitan ng Bangka na si Mustapha Katug Molo, agad umanong tumakas patungo sa Kanlurang direksyon ang mga suspek.


Maswerte namang walang nasaktan sa insidente. Wala pa umano kasi nakasampa ang kapitan ng Bangka at mga kasamahan nito dahil sa naghahanda pa sila ng kanilang hapunan sa covered hall 30 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente.


Agad na tumungo sa lugar ang Army Explosive Ordnance Disposal Team kasama ang PNP EOD upang magsagawa ng post blast investigation.


Kanilang narekober sa lugar ang dalawang safety pins ng fragmentation grenade.

Patuloy pa umanong inaaalam ng otoridad ang motibo ng mga suspek sa insidente.


Samantala, mariin namang kinondena ng Joint Task Force Central sa pamumuno ni Maj. Gen. Juvymax U yang nasabing insidente at nangakong gagawin ng AFP ang lahat ng makakaya upang maisagawa ang kanilang trabaho sa maprotektahan ang buhay at mga ari-arian ng mga residente sa Cotabato City at Central Mindanao.


Siniguro ni Uy na dodoblehin umano ng JTFC at 6th Infantry Division ang kanilang pagsisikap na masigurong mapayapa at ligtas lalo sa nalalapit na halalan.

30 views
bottom of page