top of page

ISLAMIC COLLEGE


Magtatayo ng Basilan Ulama Council Multi-Purpose Building ang tanggapan ni Congressman Mujiv Hataman sa Isabela City, Basilan. Magsisilbi itong Madaris o Islamic college para sa mga nais pang mapalalim ang kaalaman sa Islam.


Photo Courtesy: Mujiv S. Hataman


Isinagawa na ang groundbreaking para sa pagpapatayo ng Basilan Ulama Council Multi-Purpose Building sa Basilan Ulama Village sa Isabela City.


Ang itatayong gusali ay magsisilbing madaris o Islamic college para sa mga nais magpalalim ng kaalaman sa Islam.


Ang proyekto ay isinasakatuparan ng tanggapan ni Congresswoman Mujiv Hataman sa tulong ng Basilan Ulama Council.


Bahagi din ang proyektong ng patuloy na kampanya ng kongresista na magkaroon ng isang tunay na Islamic institution o college na magiging katuwang nito sa tuloy-tuloy na paglaban sa terorismo sa ilalim ng Program Against Violent Extremism o PAVE na sinimulan noong termino nito bilang ARMM regional governor.


Nakiisa sa groundbreaking ceremony sina Basilan Gov. Jim Hataman-Salliman, Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, Basilan Ulama Council Chairperson Doc Aboul-Khair Tarason, mga board of directors ng organisasyong sa buong Basilan, at DPWH District Engineer Salama Alimin.

8 views0 comments