top of page

IT equipment para sa Learning Continuity Plan sa BARMM, dumating na

Kate Dayawan | iNEWS | September 21, 2021


Cotabato City, Philippines - Dumating na sa tanggapan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang unang batch ng mga IT Equipment na gagamitin para sa pagpapatupad ng Learning Continuity Plan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa School Year 2021-2022.


Ang mga dumating na IT Equipment ay kinabibilangan ng 100 unit ng Digital Duplicators, 178 units ng computer desktop at 12 units ng laptop.


Layunin ng pagbili sa mga nasabing kagamitan ay upang matugunan ng tanggapan ng MBHTE ang mga pangangailangan ng mga eskwelahan lalo na ng mga guro sa pagbabalik eskwela ngayong panahon ng pandemya lalo pa at ipinatutupad ngayon ng Department of Education ang Blended Learning Approach.


Inaasahan na sa mga susunod na araw ay ipamimigay na ang mga IT Equipment sa mga karapat-dapat na benepisyaryo nito.




Photo by: MBHTE-BARMM

12 views
bottom of page