top of page

ITCZ, nakakaapekto sa buong bansa

Weather Update | September 14, 2021


Cotabato City, Philippines - Magdadala ang ITCZ ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa tulad ng Palawan, Visayas at Mindanao.


Magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Caraga, Northern Mindanao, Palawan, Central at Western Visayas


Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman at may mga dagliang buhos ng ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 33 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 24-33 degree celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 100 percent ang chance of rain.



Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 22-32 degree celsius at 90 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 30 degree celsius at 80% ang tsansang uulan.


Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 26 degree celsius at 100% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:32 ng umaga at lulubog 5:43 ng gabi.





5 views
bottom of page