top of page

ITCZ, patuloy na umiiral sa buong bansa

WEATHER UPDATE | SEPTEMBER 15, 2021


Cotabato City, Philippines - Magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Mindanao at Eastern Visayas


Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may pulo-pulong pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 30 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 23-31 degree celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-30 degree celsius at 90 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 22-29 degree celsius at 90 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 29 degree celsius at 90% ang tsansang uulan.


Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 23 degree celsius at 100% ang tsansa na uulan.


Ang araw ay sumikat 5:32 ng umaga at lulubog 5:43 ng gabi.




3 views
bottom of page