top of page

ITCZ, umiiral sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Weather Update | September 23, 2021


Cotabato City, Philippines - Umiiral na lamang ngayon ang ITCZ o Intertropical Convergence Zone sa bahagi ng Palawan, Visayas at Mindanao.


Makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Western Visayas at Palawan


Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers at thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 33 degree celsius at 50 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 23-34 degree celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-32 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 22-33 degree celsius at 90 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 31 degree celsius at 60% ang tsansang uulan.



Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 27 degree celsius at 90% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:31 ng umaga at lulubog 5:37 ng gabi.




4 views
bottom of page