JANE DE LEON, IBINIDA ANG KANIYANG BUONG DARNA OUTFIT BILANG COVER NG METRO MAGAZINE

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Fierce and Bold.


Ganito ang eksena ng aktres na si Jane De Leon matapos maging Cover ng Metro Magazine.


Sa Official Facebook Page ng Metro Magazine, ipinakita nila ang complete armor ng giangampanang karakter ni Jane na si Darna.


Mula sa kaniyang red-leather wedge shoes pataas sa iconic head armor, nakaukit pa rin ang kauna-unahang costume ni Darna na sinuot ng unang Darna na si Rosa Del Rosario taong 1951.


Samantala, sa huling episode ng Darna nitong biyernes ay nasilayan na din na suot ng aktres ang kaniyang official costume matapos mamatay ang kaniyang ina na si Iza Calzado at ipinasa sa kaniya ang pagiging superhero.


Ang adaptation ng teleseryeng Darna ay hango sa orihinal na sulat ni Mars Ravelo. Unang nakilala ang Darna sa Pilipino Komiks #77 niyong May 13, 1950.


Simula nang taong iyon hanggang ngayon, labin limang aktress na ang gumanap sa karakter ni Darna tulad nina Marian Rivera, Angel Locsin, Regine Velasquez, Anjanette Abayari, Nanette Medved, Sharon Cuneta, Rio Locsin, Lotis Key, Lorna Tolentino, Vilma Santos, Gina Pareño, Eva Montes, Liza Moreno at Rosa Del Rosario.


Samantala, mapapanood naman ang teleserye tuwing gabi ng lunes hanggang byernes sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, CineMo, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

8 views