top of page

JOINT PEACE & SECURITY TEAM


Magkakaroon ng deployment at activitation ng Joint Peace and Security Teams ang gobyerno at MILF sa Barangay Muti, Guindulungan, at Barangay Kuya, South Upi sa Maguindanao del Sur sa susunod buwan.


Photo Courtesy: OPAPRU


Sa paghaharap ng GPH-MILF Joint Peace and Security Committee sa kanilang first quarterly meeting sa Davao City, tinalakay ang deployment at activitation ng Joint Peace and Security Teams ang gobyerno at MILF sa Barangay Muti, Guindulungan, at Barangay Kuya, South Upi sa Maguindanao del Sur sa buwan ng Mayo.


Ang JPSC meeting ay pinangunahan ni MGen Francisco Ariel Felicidario III sa panig ng GPH at si BARMM Senior Minister Von Alhaq naman sa panig ng MILF.


Tinatayang matatapos na ng 6th Infantry Division’s Engineering Battalion ang konstruksyon ng natitirang JPST stations sa Agosto nitong taon.


Ayon kay Felicidario, ang pagtatatag sa tatlong JPST ay malinaw na manifestation ng matagumpay ng implementasyon ng oComprehensive Agreement on the Bangsamoro.


Tinalakay din ang mga posibleng lugar na paglalagyan ng JPST stations. Isusumite naman sa

GPH-MILF Peace Implementing Panel ang listahan ng mga lugar para sa approval.


Inirekomenda rin sa ginanap na pulong ang pagpapalakas ng ugnayan at pakikipagtulungan sa

international development community para sa pagsasagawa ng capacity development upang mai-angat pa ang operational capability para sa JPSTs.


Binigyang diin sa pulong ang mahalagang papel na ginagampanan ng JPST sa peace process at ang kanilang napagtagumpayan sa provision ng security assistance, support to dispute resolution, support to law enforcement activities, humanitarian and disaster response , response to shooting/violent incidents at support to ceasefire activities.


Nagkasundo rin ang dalawang panig na tutukan at idokumento ang mga private armed groups; tumulong sa reduction and control ng mga armas, suportahan ang ipinaiiral na ceasefire agreements para tugunan at iwasan ang outbreak of hostilities.


JPSTs will also assist in making security arrangements for activities and personalities involved in the peace process, as well as support dispute-resolution initiatives.


Simula taong 2019, 152 personnel ng Philippine National Police, 135 sundalo ng Armed Forces of the Philippines, at 300 members ng MILF-Bangsamoro Islamic Armed Forces ang naging parte ng 20 JPSTs sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

14 views0 comments