WESTERN MINDANAO - Personal na binisita ni Western Mindanao Commander Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr. ang Joint Task Force Basilan noong Lunes, April 18, upang tingnan at suriin ang kahandaan nito para sa National and Local Elections 2022.
Iprinisenta ni Brig. Gen. Domingo Gobway, Commander ng JTF Basilan, sa heneral ang security briefing ng preparasyon na kasalukuyang ginagawa ng mga unit nito sa kanilang lugar na nasasakupan.
Ayon kay Gobway, bilang mga tagapagtanggol ng mamamayan at bansa, nakahanda na umanong ideploy ang mga kasundaluhan sa Basilan para proteksyunan ang kabanalan ng eleksyon sa Mayo a nuwebe.
Pinaalalahanan naman ni Lt. Gen. Rosario, Jr. ang mga brigade at battalion commander na maging handa sa mga worst-case scenario dahil maaari umano sirain ng mga teroristang grupo ang peace and order sa eleksyon.
Dagdag pa nito na ipagpatuloy lamang ng JTF Basilan ang kanilang magandang koordinasyon sa mga partner agencies nito tulad ng PNP at Comelec uoang masiguro na magiging tapat, maayos at mapayapa ang isasagawang eleksyon.
Binigyang diin din nito sa kanyang kasundaluhan na manatiling non-partisan sa lahat ng pagkakataon.