top of page

KAHILINGAN NG MGA TRICYCLE DRIVER HINGGIL SA FUEL SUBSIDY, SINAGOT NG LACSON-SOTTO TANDEM

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 25, 2022


Cotabato City, Philippines - Hindi pinalampas ng mga tricycle driver na humiling ng tulong sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa sa pagbisita nina Presidential bet Senator Panfilo Lacson at Vice Presidential candidate Senator Tito Sotto III sa Midsayap, North Cotabato noong Miyerkules, March 23.


Ito’y matapos na magpalabas ng pera ang gobyerno na gagamitin bilang fuel subsidy ng transport group sa bansa.


Bilang tugon, sinabi ni Lacson na isumite ng mga ito ang kanilang pangalan dahil karapatan umano ng mga ito na kunin ang kanilang fuel subsidy.


Ito ang sinabi ni LACSON: "ibigay niyo ang listahan ng mga drivers ninyo dito, yong LTFRB kukuha sila ng listahan sa DILG ang yong listahan na yon yon ang gagamitin pambili ng fuel subsidy pero po nakalaan doon sa GAA initially 2.5 billion pero dahil tumaas ng tumaas ang gasolina, inincrese ito sa 5 billion pesos may karapatan kayo ng kunin ang inyong fuel subsidy"


End.


4 views0 comments