Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Mainit ang naging laro ng Adelaide 36ers. Umiskor si Kai Sotto ng 11 na puntos mula sa long range sa 134-124 upset ng Phoenix Suns sa isang NBLxNBA exhibition game sa Footprint Center sa Arizona, kahapon.
Photo courtesy: Google photos
Tinalo ng 36er ang NBA Ball Club matapos makuha ang 24 sa kanilang 43 attempts.
Si Craig Randall ay may siyam na triples katumbas ng 35 points, habang si Robert Franks ay may 32 points matapos gumawa ng anim sa kanyang sampung three point shoot attempts.
Solid si Sotto sa 18 minute stint, galing sa bench at nakuha ang tatlo sa kanyang anim na field goal habang humakot din ng dalawang rebounds. Mayroon din siyang dalawang steals at isang assist sa laro.
Nagkaroon ng pares ng crowd-pleasing dunks ang Filipino center sa kanyang laro.
Ang kanyang free throw sa 6:20 minute game sa second quarter ay nagbigay sa Adelaide ng 16-point spread sa standing score na 57-41.
Limang manlalaro ang umiskor ng double-digit para sa Adelaide —
Si Cam Payne ay umiskor ng 23 points para sa Suns. May tig-22 points sina Miles Bridges at DeAndre Ayton, habang may 6 points at 12 dimes si Paul.
Makakalaban ng 36ers ang Oklahoma City Thunder sa isa pang NBA preseason game sa Huwebes bago bumalik sa Australia para sa 2022-23 National Basketball League season.
End