top of page

KALUSUGAN FOOD TRUCKS, ISUSULONG NI VP SARA UPANG TUGUNAN ANG MALNUTRISYON

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Aasahang ide-deploy na ang mga Kalusugan food truck sa mas maraming lugar sa bansa upang tulungan ang kabataan na makabangon mula sa malnutrisyon.


Sa kaniyang virtual video, sinabi ng Bise Presidente na aasahna na sa

Photo courtesy : Inday Sara Duterte


mga susunod na araw, sisimulan na ang 120 days na paglilibot ng food truck at mamahagi ng mga masusustansiyang pagkain.


Gagawin ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), at National Nutrition Council (NNC).


Noong September 26, tatlong Kalusugan food truck ang inisyal na pinasinayaan sa Davao City.


Samantala, sa kaniyaang first 100 days, binigyang diin din ng Bise Presidente ang ilang napagtagumpayan nito. Isa na ang pagpapalawak ng umiiral na mga programa sa serbisyong panlipunan, ang mga programa sa pagpapatupad na naglalayong tugunan ang kakulangan ng kabuhayan, at pagbangon mula sa mga sakuna at armed conflict.


Ang mga pangunahing serbisyo ay hindi lamang inaalok sa Metro Manila kung hindi, ginawa rin sa mga satellite office kabilang ang mga unang lugar sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, Surigao del Sur, at Bacolod.


Nitong October 5, nasa 11,355 beneficiaries ang tumatanggap ng tulong medikal; 1,960 beneficiaries para sa burial assistance; at humigit-kumulang 98,293 passengers para sa programang “Libreng Sakay”.


Sinimulan na rin ng OVP na i-institutionalize ang disaster relief operations nito para mapahusay ang koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya at matiyak ang napapanahong paghahatid ng tulong sa mga apektadong Pilipino.


Bukod sa mga programang ito, nakatakda rin ang OVP na maglunsad ng iba pang mga proyektong pangkabuhayan sa buong bansa na naglalayong pangunahing makinabang ang mga kababaihan at miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual, plus (LGBTQAI+) na komunidad.


Samantala, sinabi ni Duterte na magsisikap ang OVP na mapabuti pa ang serbisyo nito, lalo na ngayong mayroon na silang central office. Gayunpaman, pinaplano rin ang isang permanenteng opisina ng OVP.


End

1 view
bottom of page