top of page

Karnap na sasakyan, nahuli ng RHPU-BAR sa Upi, Maguindanao

Alejandro M. Lasola Jr. | iMINDS Phils | February 18, 2022

Photo courtesy : RHPU-BAR


Cotabato City, Phils - NAISAULI na sa legal na may-ari ang NISSAN NAVARA Pick-up Truck na naiulat na kinarnap noong Feb 2, 2022.


Ang nasabing sasakyan ay nahuli ng mga tauhan ng RHPU-BAR sa National highway ng Nuro, Upi, Maguindanao na minamaneho ng isang hindi na pinangalanang indibidwal.


Pormal na tinanggap ni MONARA DOMIAR ang registered owner ng naturang sasakyan noong lunes Feb 14, mula sa Hepe ng RPHU-BAR PCOL Earl Castillo.


Ang impormasyon na ito ay ipinarating sa IMINDS PH ni Deputy Chief PMAJ Melvin Fernandez.


Ani Fernandez, ang possessor ng Navara Pick-up Truck nang ito mahuli ng mga Special Operation Unit ng RPHU-BAR ay nasampahan na ng kaso sa korte.


Muling nagbabala ang RPHU-BAR sa mga may balak na bumili ng mga second hand na Four Wheels Vehicles O di kaya ay mga motorsiklo na mas nakakabuti, ani Fernandez na ipa-check muna sa kanilang tanggapan kung ang mga papeles ay nasa tamang estado.


Dapat din umanong maging mapanuri ang prospective buyers kung ito ay high-end na sasakyan at sobrang mura ang halaga.


End.

7 views
bottom of page