KARPENTERO ARESTADO SA BUYBUST OPERATION NG CDEU SA COTABATO CITY.

KRISTINE CARZO | iNEWS | IMINDSPH


Cotabato city, Philippines - Hindi na nakawala pa sa kamay ng mga otoridad ang isang karpentero na sangkot sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga sa Cotabato City.


Pasado alas kwatro ng hapon araw ng Lunes ng ikinasa ng City Drug Enforcement Unit and Test buy laban sa suspek na kinilalang si Tayan.


Sa bahagi ng Purok 7, Barangay Rosary Heights 9 nakipag sundo ang police asset sa naturang suspek na pagbilhan ito ng pinaghihinalaang shabu.


Nabili sa suspek ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng limang daang piso.


Maliban pa sa ILIGAL na droga nakuha rin sa posisyon ng suspek ng ibat ibang drug Paraphernalia.


Iginiit naman ni Plt Adones M Guiambangan na naging kilala na rin aniya sa kanilang barangay ang naturang suspek dahil sa pagiging sangkot nito sa pagbebenta ng iligal na droga.


Nasa kostodiya na ngayon ng PNP ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.




6 views