top of page

KASIMBAYANAN, inilunsad ng PRO BAR para sa Secure, Accurate and Free Elections sa May 2022

Kate Dayawan | iNEWS Phils | February 25, 2022

Cotabato City, Phils - Araw ng Huwebes, February 24, nagsama-sama ang mga lider mula sa iba’t ibang sektor upang sumuporta sa pagkakaisa na isinusulong ng Police Regional Office Bar sa pamamagitan ng KASIMBAYANAN o Kawani, Simbahan, Pamayanan para sa Secure, Accurate and Free Elections 2022.


Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ay ang PCG, AFP, COMELEC, NAMFREL, DICT, PPCRV, Community Leaders at Religious Leaders kabilang na ang mga gubernatorial aspirant na sina Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu at Congressman Esmael Toto Mangudadatu.


Kasama rin ng mga ito ang kanilang slate mula sa United Bangsamoro Justice Party at Family Alliance.


Upang masiguro sa mga mamamayan ng Maguindanao na magiging maayos at matapat ang magiging eleskyon ngayon taon, lumagda sa Peace Covenant at Pledge of Integrity ang dalawang magkalabang Mangungudatu sa pagka gobernador kasama ang kanilang party.


Nakapaloob sa pinirmahang manifesto ng dalawang partido na sila ay nangangakong susunod sa kautusan ng batas at konstitusyon, rerespetuhin ang kabanalan ng eleksyon, at tatanggihan nang walang anumang pag-aalinlangan ang paggamit ng karahasan, puwersa, o pagbabanta upang maimpluwensyahan ang resulta ng halalan.


Samantala, bilang isa sa mga dumalo at sumuporta para sa matiwasay na eleksyon, ipinangako naman ni Parang Mayor Cahar Ibay na susundin nito ang mga nakapaloob sa pinirmahang kasunduan at sisiguraduhing magiging malinis ang halalan sa lugar.


Hinikayat naman nito ang iba pang tumatakbong kandidato na wag nang manira pa dahil lilipas lamang umano ang panahon ng eleksyon.


Nagtapos ang aktibidad sa pagpapalipad ng mga dumalong lider ng kalapati na sumisimbolo ng tapat at mapayapang eleksyon ngayong 2022.


End.


7 views
bottom of page