top of page

KASO NG DENGUE SA COTABATO CITY UMABOT NA SA 202; 3 ANG NASAWI SA SAKIT AYON SA CITY HEALTH OFFICE

Fiona Fernandez

COTABATO CITY — Mula sa 182 na naitala ng Cotabato Regional and Medical Center simula enero hanggang ngayong Abrl, umabot na sa 202 ang bilang ng mga nagkakasakit ng Dengue sa lungsod sa pinakahuling tala ng Cotabato City Health Office ngayog buwan. Tatlo sa mga ito ay nasawi sa sakit.


“Syempre ang dengue dun pa rin nagta-tribe sa mga water— stagnant water na nakita natin for the past how many months yung rain natin ano, expected natin yan na magkakaroon talaga ng hatchment dadami yung mga mosquito na magdasa ng dengue na yan.” sinabi ni Dr. John Maliga, Chief of Medical Professional Staff II CRMC.


Sa iilang lugar sa Mindanao, mangunguna ang Cotabato City sa may pinaka maraming kaso ng sakit na Dengue.


“Unang una muna kasi di muna natin iaasa sa lgu dapat yung every household titibgnan nila yung environment nila no… kung may mga anything na mapondohan ng tubig na hindi nagagalit at nagiging stagnant so dapat yun tatanggalin nila yun. Pangalawa kung may anything na nararamdaman kayo, efever, whether this is a runny nose o sinat so magpakonsulta agad.” ani ni Maliga.



Paalala din nito, na ugaliin ang 4S o ang Search and destroy, Self-Protection, Seek early consultation at Support Fogging o Spraying.

9 views0 comments