top of page

KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS, TUTOL SA SUGAR ORDER NO. 2

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Tutol Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand BongBong Marcos Jr. sa pag-angkat ng hanggang 150,000 Metric Tons ng Refined Sugar sa ibang bansa upang matugunan ang kakulangan sa suplay nito.


Inihayag ni Chairperson Emeritus Rafael Mariano na base sa kanilang pag-aaral, walang dahilan upang mag-issue ng ganung kautusan lalo pa't sa itinakdang buwan ng pagdating ng suplay ng asukal sa bansa ay siya pagsisimula ng milling season.


Dagdag ni Chairperson Mariano na nag-ooperate na ang karamihan ng gilingan sa Pilipinas at dadagdagan pa ng mga lokal na producer ng asukal ang suplay nito.


Kaya naman pinuna rin ng grupo ang kakulangan sa inventory ng gobyerno hinggil sa kabuuang suplay ng asukal mayroon sa bansa.

0 views
bottom of page