KIMMY COUTURE, WAGI SA UNANG MAXI CHALLENGE SA CANADA’S DRAG RACE SEASON 3

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Nakuha ang Filipina Drag Queen na si Kimmy Couture ANG UNANG MAXI challenge nito sa sinalihang kompetisyon na Canada’s Drag Queen Season 3.


Sa ikalawang maxi challenge na ipinalabas noong Biyernes (oras sa Pilipinas), nahirapan si Kimmy na magsulat ng mga jokes na siya parte ng challenge sa kanyang partner na si Miss Fiercalicious matapos silang maisama ni Chelazon Leroux sa isang team.


Pero na-impress ang mga judges sa ipinakitang performance ni Kimmy.


Si Kimmy ang ikatlong Pinay na sumali sa "Canada's Drag Race" pagkatapos ni Kyne mula sa Kitchener-Waterloo, Ontario na pumuwesto sa ika-11 sa pangkalahatan sa debut season nito; at Stephanie Prince, na nagtapos sa ika-10 sa pangkalahatan sa ikalawang season.


Ang iba pang mga franchise ay nagtampok din ng mga Filipino drag queen tulad nina Jaja at Mocha Diva para sa season 1 at 2,"Drag Race Thailand." Nakatakdang mag-premiere ang "Drag Race Philippines" sa Miyerkules simula August 17 kasama ang segment na 'Untucked' na ipapalabas tuwing Biyernes simula Agosto 19 sa WOW Presents Plus, Discovery Plus, at HBO Go.

1 view