top of page

KITCHENWARE AT MENTAL HEALTH CARE, HANDOG NG BARMM

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


240 set ng kitchenware ang ipinamahagi ng Office of the Chief Minister's Project TABANG o Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailagan sa mga biktima ng baha sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong a uno ng Nobyembre.


Kasama sa mga set ang isang kerosene stove, kettle, cooking pot, plato, drinking cups, kutsara, at tinidor.

Photo courtesy : MSSD


Samantala, bilang bahagi ng mga interbensyon ng Bangsamoro Government para sa mga biktima ng bagyong Paeng sa rehiyon, ibinigay ang psychosocial support para sa mga lumikas dahil sa bagyo.


Ang mga social worker mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay nagsimulang magsagawa ng mga aktibidad noong October 31, Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) sa mahigit 100 evacuees na naninirahan sa Awang, Broce, at Badak elementary schools sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Sinabi ng MSSD na partikular nilang pipiliim ang mga indibidwal na nawalan ng miyembro ng pamilya sa pananalasa ng bagyo.


Ayon sa ministeryo, ang MHPSSS ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapaunlad ng sikolohikal na pagpapabuti ng mga biktima ng natural at dulot ng krisis ng tao.


End

3 views
bottom of page