Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Sa report ng Area Police Command-Western Mindanao, nakasagupa ng pinagsanib na pwersa ng militar at PNP sa isang checkpoint sa Barangay Mipaga, Saguiran, Lanao del Sur ang grupo ng isang konsehal ng Barangay Limogao, Saguiran, alas tres ng hapon noong Huwebes, October 13.
Photo courtesy: Area Police Command Western Mindanao
Nasawi sa engkwentro ang konsehal at nakatakas naman ang tatlo pang kasamahan nito na kinilala sa alyas na Omar, Nadir at Arabo.
Narekober ng pulisya mula sa nasawing konsehal ang 300 grams ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng PHP2.04 milyon pesos, isang .45-caliber pistol, anim na basyo ng bala, at isang basag na glass tooter.
Patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa tatlong nakatakas.
End