Joy Fernandez | iNEWS | November 17, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato
Cotabato City, Philippines - Bukod sa mga programang pang-edukasyon, pang-kalusugan at pang-agrikultura...
Tinututukan din ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa probinsya.
Isa na rito ang nagpapatuloy na konstruksyon ng 2 classroom school building sa Upper Sepaka Integrated School sa bayan ng Surallah.
Pinondohan ang proyektong ito ng higit sa isang milyong piso.
Ipinasisiguro lamang ng kasalukuyang administrasyon, sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. na sabay-sabay aangat ang lahat dahil sa tama at maayos na serbisyo sa lalawigan.