top of page

Konstruksyon ng Banisilan District Hospital sa North Cotabato, sinimulan na!

Kate Dayawan | iNEWS | October 7, 2021


Cotabato City, Philippines - Nagsagawa ng ocular inspection si North Cotabato Governor Nancy Catamco sa ginagawang Banisilan District Hospital na matatagpuan sa Barangay Wadya, Banisilan.


Ang pagpapatayo ng nasabing ospital ay pinondohan ng opisina ni Senator Miguel “Migz” Zubiri sa ilalim ng Local Government Support Fund na nagkakahalaga ng sampung milyong piso habang 20 million pesos naman ang inilagak ng pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato sa nasabing proyekto.


Matagal nang pangarap ng mga residente sa nabanggit na bayan na magkaroon ng sariling district ospital at dahil sa pagsisikap ng Provincial Government ng Cotabato ay maisasakatuparan na ito.




0 views
bottom of page