top of page

Kontruksyon ng P2.99-M na warehouse, sinimulan na ng MAFAR para sa rice farmers ng Maguindanao

Kate Dayawan | iNEWS | December 16, 2021

Photo courtesy: MAFAR - BARMM


Cotabato City, Philippines - Maisasakatuparan na ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform BARMM ang pangako nito sa mga magsasaka ng palay sa Maguindanao.


Ito'y matapos na pasimulan na ang konstruksyon ng warehouse na nagkakalahaga ng 2.99 million pesos upang may mapaglagyan ang mga magsasaka ng kanilang mga naaning palay.


Ayon kay MAFAR Minister Mohammad Yacob Ph. D, ang warehouse project na ito ay mayroong vast pavement solar drier na ilalagay sa Barangay Pikeg, Shariff Aguak, Maguindanao na maaaring makapagpatuyo ng nasa 150-200 na sako ng palay.


Isa sa mga makakabenipisyo ng nasabing proyekto ang Itihad Cooperative na mayroong mahigit isang daang rice farmer-members.


Inaasahan na matatapos ang proyekto sa Hunyo sa susunod na taon.

11 views
bottom of page