LAILATUL QAD’R QUR’AN READING COMPETITION

Matagumpay ang isinagawang Lailatul Qad’r Quran Reading Competition handog ng Datu Odin Sinsuat Local Government Unit. Tatlo mula sa tatlumpo’t apat na reciters ang nagkamit ng gantimpala sa kompetisyon.
Tinanghal na kampeon si Abdulkadir Dipatuan ng Barangay TAMBAK sa ginanap na Lailatul Qad’r Quran Reading Competition handog ng Datu Odin Sinsuat Local Government Unit.
Sa score na 97.35, tinanggap ni Dipatuan ang limampung libong piso na cash prize at isang taon na honorarium mula sa lokal na pamahalaan.
2nd prize winner naman si Abdulrashid Makadatu ng Barangay KAKAR na nakakuha 94.10 na score. Tinanggap nito ang Thirty Thousand Pesos na premyo.
Photo Courtesy Municipality of Datu Odin Sinsuat
Ang pangatlong pwesto ay nakuha ni Mohammad Tahir Kanakan ng Barangay DULANGAN. Tinanggap nito ang Twenty Thousand Pesos cash prize.
Sa mga hindi pinalad, tinanggap ng mga ito ang 3 thousand pesos consolation prize.
Isinagawa ang kumpetisyon noong araw ng Lunes, April 17, 2023 sa municipal ground ng Datu Odin Sinsuat.
Ito ay taunang aktibidad ni Mayor Datu Lester Sinsuat na naglalayon na mapalakas pa ang tinatawag na Eeman at mapalawak pa ang antas ng kamalayan ng mga residente ng bayan sa pagbabasa ng Qu’ran.